
MATAPOS ang dalawang taon ng pagtatago, kalaboso sa ikinasang operasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) sa lalawigan ng Nueva Ecija, ang isang lalaking wanted sa pagdukot at pagpatay ng dalawang indibidwal.
Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, inaresto ng NBI-Organized and Transnational Crime Division ang suspek na kinilala bilang alyas Jonathan sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Quezon City Regional Trial Court Branch 215.
Sa impormasyong ibinahagi ni Santiago, lumalabas na sangkot ang suspek sa pagdukot at pagpatay kina Christian Ortega Gloria Ortega noong 2024. Bago pa man nadakip si Jonathan, dalawang suspek na una nang inaresto.
Kasalukuyang nasa punong tanggapan ng NBI ang suspek habang hinihintay ang commitment order para agad na mailipat sa Quezon City Jail si Jonathan. (ITOH SON)