AKSIDENTE o kapabayaan ng pamahalaan? Para sa naulilang pamilya ng isang lalaking pumanaw matapos mahulog sa isang drainage system na walang takip, hindi katanggap-tanggap ang pagkasawi ng isang padre de pamilya. 

Batay sa salaysay ng mga saksi, naglalakad ang biktima dakong alas 3:00 ng hapon sa kahabaan ng Fil-Am Friendship Highway sa Barangay Cutcut, Angeles City nang biglang lamunin ng drainage canal.

“Hindi niya siguro kabisado yung nilalakaran niya… matagal nang walang takip ang drainage dun,” anang saksi sa isang panayam sa telebisyon.

“Nung time na yon, sir, hindi rin namin alam na diyan siya dumaan. Delikado kasi diyan. Sabagay, di niya rin po alam na ganun yung mangyayari,” anang isa pang saksi.

Sa imbestigasyon ng lokal na pulisya, kumpirmadong walang takip ang drainage canal kung saan nahulog ang hindi pinangalanang lalaki. Narekober ang katawan ng biktima sa ilalim ng tulay sa harap ng Mansfield Residences sa Barangay Sto. Domingo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *