Ni LILY REYES
BINULABOG ng malakas na pagsabog ang mga residente sa gawing hangganan ng dalawang lalawigan sa isla ng Negros sa pagputok at pagbuga ng makapal na usok ng Bulkang Kanlaon kagabi.
Sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), dakong alas 6:50 ng gabi nang sumambulat ang ngitngit ng bulkan na nagbuga ng makapal na usok sa taas na 5,000 metro.
Sa pagtataya ng Philvolcs, umabot ng anim na minuto ang dagundong na dulot ng pagsabog ng bulkang Kanlaon.
Bago ang pagsabog, nasa Alert Level 1 lang ang bulkan.
Naramdaman din sa mga lokalidad sa palibot ng bulkan ang walong volcanic earthquake, habang nasa 797 tonelada ng sulfur dioxide flux ang ibinuga ng bulkan.
Itinaas na kagabi ng Phivolcs sa Alert Level 2 sa mga lokalidad na nakapaligid sa Bulkang Kanlaon.
