
ANIM na menor de edad na pawang biktima ng sexual abuse at exploitation ang nasagip ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isang entrapment operation sa bayan ng Bombon sa lalawigan ng Camarines Sur.
Sa kalatas ng NBI district office sa Naga City, isinagawa ang entrapment operation matapos makipag-ugnayan ang US Homeland Security Investigations team hinggil sa isang Pinoy na nagbebenta ng child sexual abuse and exploitation materials (CSAEM) online kapalit ng pera.
Bukod anila sa larawan, bistado rin ang pay-per-view modus ng hindi pinangalanang suspek na nag-oorgansa umano ng live show ng mga bata.
Narekober sa natirang operasyon ang mga cellphone kung saan tumambad ang mga mahalay na larawan, video at maging ang mga online fund transfer ng mga dayuhang parokyano.
Sinampahan na ang suspek ng patong-patong na kaso kabilang ang paglabag sa Anti-Online Sexual Abuse or Exploitation Materials Act at Cybercrime Prevention Act.