LIBO-LIBONG residenteng lubos na apektado ng magnitude 6.9 na lindol sa Bogo City at tatlo pang bayan sa lalawigan ng Cebu ang nakatanggap ng food packs at iba pang tulong mula sa isinagawang relief mission ng Tingog partylist.
Sa pangunguna nina Tingog Partylist Reps. Yedda K. Romualdez, Jude A. Acidre, at Andrew Julian K. Romualdez, katuwang si Cebu 4th District 4th District Rep. Sun Shimura at iba pang local leaders, ipinamahagi ang relief packs at sa mga taga Bogo City, at maging sa mga munisipalidad ng Medellin, Borbon, at San Remigio.
“The mission is aimed at immediately addressing hunger and thirst among quake-hit communities,” ayon sa Tingog PL.
“We want our kababayans in Cebu to know they are not alone in this struggle. Tingog will provide immediate relief and stand with them as they recover from this tragedy,” dugtong ng mga mamabatas sa isang joint statement.
Para kay Rep. Yedda ang isinagawang relief mission ay isang matibay na nagpapakita ng bayanihan spirit.
“Sa bawat kalamidad, ang pinakamahalaga ay ang pakikipagkapwa. Tingog is committed to bringing comfort and relief, lalo na sa mga kababayang biglang nawalan ng tirahan at kabuhayan dahil sa lindol,” paglalahad pa lady lawmaker.
Hinimok naman ni Acidre ang mga biktima ng nasabing kalamidad na magpakatatag at sinabi ring “hindi matitinag ang diwa ng Cebuano. Sa kabila ng pinsalang idinulot ng lindol, kasama ninyo ang Tingog sa pagbangon.”
Tiniyak ni Rep. Andrew Romualdez na ang pagkilos na ito ng Tingog PL ay hindi matatapos sa pamamahagi lamang ng relief packages.
Nagpaabot din ang Tingog lawmakers ng kanilang pakikiramay sa bawat pamilya ng mga nasawing biktima ng Cebu mega quake.
Nanawagan din sila sa masusing pagtutulungan ng national at local government agencies para sa mabilis na pagbangon ng mga mamamayan at kanilang lokalidad.
“Together, we can rise from this tragedy. With unity, compassion, and resilience, Cebu will recover stronger,” pagtatapos ng Tingog Party-list solons. (ROMER R. BUTUYAN)
