
MATAPOS ang isinagawang imbestigasyon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) kaugnay ng sumbong ng isang benepisyaryo, tiniyak ng ahensya na pananagutin ang isang barangay chairman na di umano’y namburiki ng ayuda.
Isang pahayag, nagbabala si DSWD Secretary Rex Gatchalian sa iba pang barangay chairman, kasabay ng giit na hindi dapat bawasan ang P10,000 ayudang sadyang inilaan ng pamahalaan sa mga benepisyaryong maralita.
Lumalabas sa imbestigasyon ng DSWD na binawasan ng P1,500 ng hindi pinangalanang barangay chairman ang ayuda para sa isang benepisyaryong taga Davao del Sur.
Kasabay ng pagsasampa ng kaso laban sa naturang barangay chairman, nanawagan si Gatchalian sa iba pang opisyales ng barangay. Aniya, magsilbi sanang babala sa mga local at barangay officials na huwag pag-interesan ang cash assistance na ipinagkaloob ng national government sa mga pobreng benepisyaryo.
“Siguraduhin natin na magiging warning ito, matinding warning sa mga magtatangka na samantalahin yung mahihirap nating benepisyaryo. Walang may karapatan magkaltas,” diin ng senador.
Para matiyak na di na maulit ang burikian ng ayuda, nagpasya si Gatchalian gawin ang pamamahagi ng ng ayuda sa payout centers ng ahensya.
“Pero despite it being isolated, we take it very seriously. Sa kaso na ‘to yung pregnant natin na beneficiary, nakatanggap ng P10,000. At gusto ko ring linawin na during payout, buo ang natatanggap nila. Pag nagbigay ang DSWD yan, kasi we verify it… hindi nangyari yung kaltasan sa loob ng payout center ng DSWD.’’