HINDI angkop ilagay sa peligro ang kaligtasan ng mga empleyado, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE) kasabay ng pag lalabas ng cease and desist order laban sa isang BPO company sa Cebu dahil sa kawalan ng occupational safety.
Bukod sa walang occupational safety, sabit din umano ang hindi tinukoy na kumpanya dahil sa walang emergency and disaster preparedness at response plan.
Gayunpaman, nilinaw ng DOLE na pwede pa rin magpatuloy ng trabaho ang mga empleyado sa bisa ng ”flexible working arrangements” tulad ng work-from home.
Oktubre 2 nang maghain ng reklamo ang BPO Industry Employees Network laban sa 30 BPO companies matapos obligahin umano ang mga empleyado na ituloy ang trabaho sa kabila ng nakaambang aftershocks na dulot ng magnitude 6.9 na lindol na tumama sa Cebu.
Hindi bababa sa 69 indibidwal ang kumpirmadong nasawi sa naturang trahedya.
