PAGIGING abala para tiyakin hindi kakalam ang sikmura ng pamilya, kung hindi man matamlay na pananampalataya ang nakikitang mga dahilan sa likod ng pinakahuling pag-aaral ng Social Weather Station (SWS) sa hanay ng mga katolikong Pinoy.
Ayon sa SWS, apat sa 10 katolikong Pinoy na lang ang dumadalo sa lingguhang misa batay sa survey na isinagawa mula Disyembre 10 hanggang 14 ng nakalipas na taon.
Sa pakikipanayam sa 1,200 respondents, 79% ang katoliko. Sa nasabing bilang 38% lang ang nagsabing nagtutungo sila sa simbahan isang beses o higit pa para sa banal na sakramento.
Mayroon din anilang 24% nagsabing isa o dalawang beses silang nagsisimba sa loob ng isang buwan, habang nasa 20% naman ang minsan lang kada buwan ang pagdalo sa misa.
Tatlong porsyento ng mga lumahok sa survey ang aminadong hindi na nagsisimba.
Gayunpaman, pito sa bawat 10 Katoliko ang nagsambing araw-araw silang nananalangin
“Seven out of 10 Filipino Catholics pray at least once daily, 10% several times a week, 6% every week, 4% two to three times a week, 4% about once a month, 2% nearly every week, 1% several times a year, 1% about one to two a year, 1% less than once a year, and 1% never,” saad sa resulta ng pag-aaral ng SWS.
