
MATAPOS almahan ng ilang consumer groups ang pag-angkat ng mga frozen eggs sa bansa, pinawi ng pamahalaan ang agam-agam sa kaligtasan ng mamamayan, kasabay ng giit na ligtas kainin ang itlog na inimbak ng mahabang panahon sa ilalim ng malamig na temperatura.
Ayon sa Bureau of Agriculture and Fisheries Standards ng Department of Agriculture, walang dahilan mangamba – ligtas ang mga imported frozen eggs na binebenta sa mga pamilihang bayan sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Gayunpaman, pinayuhan ng naturang ahensya ang publiko na panatilihin sa refrigerator ang frozen eggs para maiwasan masira ang pinupuntiryang itlog ng mga mga grupo ng konsyumer.
Anila, tatagal hanggang isang taon ang frozen eggs basta’t nasa maayos na imbakan ang itlog na patok sa mga palengke dahil sa mababang presyo.