SA pambihirang pagkakataon, isang grupo ng mga premyadong alagad ng musika ang bumihag sa puso ng mga magkasintahan sa nakaka-LSS na awit para kay ‘Ella’ – isang orihinal na piyesa ng grupong Plaster of Paris.
Sa nakahuhumaling na himig at tagos sa pusong titik, mabilis na umarangkada ang musika ng bandang kinabibilangan nina TJ Cardona, Randy Pusing at Carlo Manawis.
Sa loob lang ng anim na araw mula nang isalang sa ere, humataw si ‘Ella!’ Ang resulta — LSS sa mga nakarinig ng piyesa.
Bakit nga naman hindi? Ang awit na Ella, totoong nangyayari sa mga nilalang na kapwa nakakaramdam ng pagmamahal sa isa’t isa.
Walang kinikilalang estado sa buhay ang Ella – kesehodang millennial o millennior.
Damhin ang pagmamahal kahit tapos na ang Araw ng mga Puso. https://www.youtube.com/watch?v=xJfzSgalgfg
