ISANG linggo matapos lamunin ng apoy ang kabahayan ng 500 pamilya sa Barangay Tatalon, Quezon City, agad na tumugon sa tawag ng saklolo ang mga miyembro mula ng iba’t ibang sangay ng Fraternal Order of Eagles para mamahagi ng tulong sa mga nawalan ng tahanang masisilungan.
Kabilang sa mga nagpaabot ng tulong (pagkain, tubig, gamot at hygiene kit) ang Pinagpala Kamandag Eagles Club sa pamumuno ni Kuya President Garry Boy Depon, kaagapay ang Sta. Maria Magnificent Eagles Club sa pamumuno ni Kuya President Solomon Jover katuwang si Northern Luzon Region VI Gov. Rommel M. Manuel.
Pebrero 18 nang sumiklab ang sunog sa kahabaan ng Kalye Manunggal dakong alas 9:00 ng gabi. Sa bilis ng pagkalat ng apoy, umabot sa ikalawang alarma ang insidenteng nag-iwan ng tatlong sugatan
Apatnapu’t isang truck ng bumbero mula sa Bureau of Fire Protection (BFP) at fire volunteers ang rumesponde sa sunog na idineklarang fire-out dakong alas 12:00 ng hatinggabi.