
TALIWAS sa imaheng ginagampanan sa mga pinagbidahang pelikula, duwag ang paglalarawan ng grupong Gabriela kay Sen. Robin Padilla.
Ayon isang pahayag, tinawag din “misogynistic remark” ang paandar ng senador hinggil sa mga kababaihan.
“Senator Padilla acts tough and macho, when in reality he is a coward in terms of defending the interests of women in the Philippines,” ayon kay Gabriela Secretary General Clarice Palce bilang tugon sa winika ni Padilla sa Charter Change Forum.
Sa naturang talakayan, ipinahiwatig ni Padilla ang aniya’y maruming pamumulitika sa usapin ng ChaCha ang nagtutulak sa kanya para ikonsidera ang pagbibitiw sa tungkulin bilang senador.
Aniya pa, hindi niya nais manatiling senador sa mahabang panahon. Ang dahilan – hindi aniya siya makapambabae – bagay na ikinabugnot ng militanteng grupo ng mga kababaihan.
Pinaalalahanan ng Gabriela si Padilla na hindi bahagi ng mandatong kalakip ng kanyang pwesto ang mambabae – “His job is to address gaps in current laws and not to womanize.”
Giit ng Gabriela kay Padilla, isang public apology sa lahat ng kababaihang Pilipina.
“His statement violates the Code of Conduct for Public Officials which states that they must uphold the public interest over and above personal interest. Moreover, it reeks of misogyny and toxic masculinity which should not be tolerated in this society.”