PAG-ASA NG BAYAN. Karapatan sa edukasyon hindi prebileheyo isusulong ng FPJ Panday Bayanihan partylist tungo sa ibayong kaunlaran ng bansa.
ANG patuloy na pakikipag-ugnayan at pagsangguni ni Brian Poe Llamanzares na tumatayong first nominee ng FPJ Panday Bayanihan partylist sa mga sa mga grassroots organization at advocacy group ang nakikitang dahilan sa likod ng pag-arangkada ng partido sa survey ng Social Weather Stations (SWS).
Paglalahad ni Ricky Mallari, leader ng Volunteer Poe Kami Movement, halos tuloy-tuloy na lumalawak ang pagtangkilik ng masa sa FPJ Panday Bayanihan partylist dahil sa walang humpay na pakikisalamuha ni Brian Poe sa sektor ng kabataan, kababaihan, magsasaka, mangingisda, batang may kapansanan at kanser, solo parents, mga magulang ng batang may cerebral palsy, pagkalinga sa matatanda.

Sa pinakahuling survey ng SWSm, nasungkit ng FPJ Panday Bayanihan Partylist ang ika-11 pwesto mula sa 156 na partylist groups na kalahok sa 2025 midterm election sa Mayo.
Naulat, nagsagawa ang FPJ Panday Bayanihan ng mga serye ng konsultasyon sa mga grassroots sector, na nagbigay-daan sa partido na makakalap ng mga makabuluhang pananaw sa laylayan ng lipunan. Sama-samang binuo nila ang isang pampulitikang agenda ng mamamayan kalakip ang mga kahilingan ng bawat sectoral group.

Nauna nang sinabi ng pinuno ng Political Officers League of the Philippines Inc. (PolPHIL)-Sogod Southern Leyte na si Rico Cajife sa mga mamamahayag na ang mga pinuno ng ilan sa mga sectoral group na miyembro ng PolPHIL ay handang sumuporta sa FPJ Panday Bayanihan partylist.
“Batid namin na ang party list ay may hangarin din isulong ang ng tunay na adyenda ng mamamayan na pakikinabangan ng nakakarami at sa maalwang kinabukasan ng salinlahi,” paliwanag ni Cajife.
Isa sa batayang pagtangkilik ng mga naturang grupo sa FPJ Panday Bayanihan Partylist ay ang platapormang nakasandig sa Pagkain, Pag-unlad, at Katarungan (FPJ), na naglalayong iangat ang mga Pinoy na pasok sa kategorya ng “marginalized sector” at itaguyod ang isang inklusibo, sustenableng kinabukasan para sa bansa.

Nakamtan din ng FPJ Panday Bayanihan ang suporta ng maliit na namumuhunan nang dumalo si Brian Poe sa Kasanggayahan Festival 2024 sa Sorsogon City noong Oktubre at kanyang kinalugdan ang mga lokal na produkto kasunod nito ang paghikayat sa mga mamimili na tangkilikin ang mga produktong gawang-Pinoy.
Partikular na isinusulong ni Brian Poe ang pag-arangkada ng mga small and medium enterprises (SME) sa larangan ng pagnenegosyo.

Umani din ng suporta ang FPJ Panday Bayanihan Partylist mula sa Filipino-Muslim communities. Sama-samang ipinahayag ng mga lider at kinatawan ng Rizal Muslim Consultative Council (MCC), Cainta Muslim Affairs Office, Muslim Communities of the Municipality of Rodriguez, Rizal, Salaam Police Advocacy Group (SPAG) at United Cavite Muslim Communities ng kanilang pagsuporta sa ginanap na consultative meeting ng nakaraang buwan na ginanap sa Makati City.
Inayunan ni Poe ang kahilingan ng grupong Muslim na makapagbuo ito ng consultative council sa mga lugar na may malaking populasyon ng Muslim at palawakin ang mandato ng National Commission on Muslim Filipinos.
Ika nga ni Poe, “Kung gusto nating umunlad ang ating bansa at ekonomiya, walang Pilipino ang dapat maiwan, anuman ang kanilang katayuan o relihiyon. Dapat nating iangat ang buhay ng bawat Pilipino at bigyan ng pantay na pagkakataon para sa lahat”.
Sa ginanap na AFP Reservists National Convention 2024, nagbigay pugay si Brian Poe sa dedikasyon at serbisyo ng mga sundalo at military reservist, na aniya’y nagpapasigla sa ating pambansang depensa at nagtataguyod ng kapayapaan. Naglaan ng suporta ang FPJ Panday Bayanihan partylist sa may 2,500 dumalong military reservist sa naturang pagtitipon.

Maging sa hanay ng mga propesyonal, akademya, at negosyante ay pinuri si Brian Poe nang iprisinta niya ang kanyang pananaliksik tungkol sa pamamahala ng tubig sa 6th Katipunan Conference on National Security and Economic Resilience na ginanap sa Ateneo de Manila University.
Ipinunto ni Poe ang kahalagahan sa pagtatayo ng Department of Water Management upang maisaayos ang pamamahala ng mapagkukunan ng tubig kasabay ng mungkahing alisin ang sankaterbang ahensyang halos magkakatulad ang mandato, sa hangaring bigyang-daan ang sistematikong pagpapabuti ng paghahatid ng serbisyo.
