BINULAGA ng mga operatiba ng Bureau of Customs (BOC) ang bahay ng mag-asawang contractor na umano’y sangkot sa ghost flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Ang target — 12 luxury cars na pinaniniwalaang ipinuslit lang sa bansa.
“Any irregularity in the importation of luxury vehicles, such as misdeclaration or non-payment of duties and taxes, will be subject to enforcement actions under the Customs Modernization and Tariff Act (CMTA),” saad sa pahayag ng kawanihan.
Gayunpaman, dalawa lamang sa 12 mamahaling sasakyang sakop ng search warrant ang natagpuan sa compound ng St. Gerrard Construction sa Barangay Bambang sa Pasig City. Kabilang sa mga inabutan ng BOC ang isang Land Cruiser at Maserati.
Panawagan ni BOC Commissioner Ariel Nepomuceno sa mag-asawang Discaya, isurender ang mga sasakyan na sakop ng search warrant — bagay na agad tinugon ng mag-asawa.
Una nang inamin ni Discaya sa senado ang pagmamay-ari ng 28 luxury cars kabilang ang isang Rolls Royce – P42 milyon; isang Mercedes Benz G63 – P20 milyon; dalawang Cadillac Escalade – P11 milyon (white) at P8 mil¬yon (black); isang Chevrolet Suburban – P3 milyon (used); isang Range Rover Autobiography – P16 milyon isang Range Rover Defender – P7 milyon; isang Range Rover Evoque – P5 milyon.
Inamin din ng kontratista na meron din siyang tig-isang unit ng GMC, Maybach, at Bentley.
Hawak na ng BOC lahat ng 12 luxury vehicles na pakay ng search warrant.

Karagdagang Balita
Scam hub sa Malate bistado, 39 arestado
ICI kinalampag, graft probe buksan sa publiko
Arson hinala ni Remulla sa nasunog na DPWH office