ASAHAN ang pagbaha ng perang dala ng mga kandidato sa posisyon ng senador at partylist congressman sa mga lalawigan ng Calabarzon region sa sandaling sumipa ang panahon ng kampanya.
Ang dahilan — pinakamarami ang rehistradong botante sa Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon batay sa datos na ibinahagi ng Commission on Elections (Comelec).
Sa datos ng ahensya, nasa 9.764 milyon ang Calabarzon. Nasa 7,554,248 naman ang kabuuang bilang ng registered voters sa Metro Manila.
Sa Visayas, pinakamarami ang registered voters sa Region 7 (Central Visayas) na may 4,407,336.
Kabilang rin sa talaan ang Bicolandia na may 4,066,662; Ilocos region na may 3,636,654; Davao Region na may 3, 386,929; Eastern Visayas na may 3,264,935; Northern Mindanao na may 3,197,586; Western Visayas na may 3, 145,219; Negros Island Region na may 3,069,836.
Umabot na rin sa 2, 881,715 ang rehistradong botante sa Zamboanga Peninsula; 2,709,058 sa SOCCSKSARGEN; 2,360,210 sa Cagayan Valley; 2,348,765 sa BARMM; 2,064,140 sa MIMAROPA.
Naitala naman sa Cordillera Administrative Region (CAR) ang pinakamababang rehistradong botante sa 1,111,863.
Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, pumalo na 68,571,499 ang kabuuang bilang ng mga registered voters na pwedeng bumoto sa nalalapit na midterm election sa Mayo ng susunod na taon.
…………..
Karagdagang Balita
WALANG PUTOL: ISA PA HIRIT 4TH TERMER ORION MAYOR
RELIEF GOODS MAY MUKHA NG PARTYLIST CONGRESSMAN
SANDRO KAY DUTERTE: HUWAG ISANTABI ANG MENTAL HEALTH