November 4, 2024

saksipinas

Palaban, Walang Kinikilingan

BAGYONG LEON UMEKSENA, SASABUYAN ANG ILOCANDIA

HALOS kasabay ng paglabas ng mapaminsalang bagyong Kristine, umeksena naman ang bagong sama ng panahon sa pagpasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ng Tropical Storm Kong-Rey na may local name na bagyong Leon.

Sa abiso ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), walang inaasahang landfall ang bagyo. Gayunpaman, inaasahan magdudulot ng mabigat na buhos ng ulan sa hilagang bahagi ng bansa.

“This tropical cyclone is expected to intensify gradually and may reach severe tropical storm category on Sunday. Furthermore, it may also reach typhoon category on Monday,” ayon sa state weather bureau.

“Depending on how close it will be during its recurvature over the Philippine Sea, the outer rainbands of [Leon] may also affect Extreme Northern Luzon. Furthermore, it may also continue to influence the southwesterly wind flow initially triggered by Severe Tropical Storm Kristine, which may affect the western section of Southern Luzon, Visayas and Mindanao in the coming days,” dugtong pa ng ahensya.