Ni LOUIE LEGARDA
HIWALAY man ang tinahak na landas, nananatiling dikit naman ang tiwala ng mga Pilipino sa dalawang pinakamataas na opisyal ng gobyerno.
Batay sa pinakabagong resulta ng Boses ng Bayan survey na pinangasiwaan ng RPMD Foundation Inc. (RPMD), kapwa nagtala ng 77% trust rating sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Vice-President Sara Duterte.
Sa aspeto ng “performance” mas mataas ang nasungkit na grado ng Pangulo na may 77%, malayo sa 71% na nakuha ni VP Sara.
Kabilang rin sa mga sinuri ang iba pang prominenteng lider ng bansa.
Sa sangay ng lehislatura, nakakuha si Senate President Francis Escudero ng 68% ‘trust’ at 65% ‘job approval habang nakapagtala naman si House Speaker Martin Romualdez ng 75% ‘trust’ at 73% ‘job approval’.
Batay sa daos ng RPMD, pinakamataas ang naitalang trust rating ng Pangulo sa Balanced Luzon kung saan nakasungkit si Marcos ng 80.70% sa Balance of Luzon. Pinakamababa naman ang 70.16% na antas ng tiwala kay Marcos sa gawing ktimugan ng bansa.
Bidang-bida naman sa 81.74% trust rating sa Mindanao ang Bise-Presidente, pero pinakamababa sa National Capital Region (NCR) kung saan nakakuha lang siya ng 72.68%.
Sa job performance, pinakamataas si Marcos sa Balance of Luzon, 78.07% at pinakamababa sa NCR, 69.64%. Pinakamataas na job performance ni VP Sara ay nasa 76.23% sa Mindanao at pinakamababa sa NCR, 67.38%.
Samantala, nanguna sa talaan ng “top performing” Cabinet officials si Interior and Local Government Sec. Benhur Abalos Jr., 93%; sinundan nina Social Welfare and Development chief Rex Gatchalian, 91%; Tourism Sec. Christina Garcia Frasco, 90%; Budget Sec. Mina Pangandaman, 88%; Finance Sec. Ralph Recto, 86%, Justice Sec. Boying Remulla, 84%.
Press Sec. Cheloy Garafil, 82%; Trade and Industry Sec. Alfredo Pascual, 81%; Public Works and Highways Sec. Manuel Bonoan, 79%. Information and Communications Technology Sec. Ivan John Uy, 77%; Health Sec. Ted Herbosa, 76%, at Houing Sec. Jerry Acuzar, 74%.
Agriculture Sec. Francisco Tiu Laurel Jr., 72%; Solicitor General Menardo Guevarra, 71%; DOST Renato Solidum Jr., 69%, at NEDA Sec. Arsenio Balisacan, 67%.
Pasok din sa talaan sina Labor Sec. Bienvenido Laguesma, 65%; Executive Sec. Bersamin Lucas, 64%, Transportation Sec. Jaime Bautista, 62%, at Defense Sec. Gibo Teodoro Jr., 60%.
Isinagawa ang survey mula Hulyo 1 hanggang 10 sa tulong ng 10,000 adult respondents na kumakatawan sa 67.75 milyong botante sa buong bansa.
