Madilim pa ang kalangitan nang dumating sa UST ang mga kukuha ng pagsusulit para sa katuparan ng pangarap na maging abogado. (Kuha ni Crismon Heramis)

HALOS hindi pa sumisilip ang liwanag nang magsimulang dagsain ng mga examinees ang University of Sto. Tomas(UST) sa lungsod ng Maynila para sumailalim sa taunang pagsusulit sa mga nais maging abogado.

Bago pa man tuluyang pumasok sa UST testing center, may mga examinees na namataan nagdadasal kasama ang pamilya, kaibigan kaklase at mga iba pang kasabay na kukuha ng 2026 Bar Examinations.

Sa datos na una nang ibinahagi ng Korte Suprema, nasa 11,900  sa13,441 examinees ang sasabak sa tatlong araw na pagsusulit — Setyembre 6, 9 at 13 ng kasalukuyang taon.

Nitong nakalipas na linggo, pinayuhan ni Supreme Court Associate Justice Samuel Gaerlan ang examinees ng 2026 Bar Examinations na magtiwala sa sarili at huwag panghinaan ng loob sa gitna ng kaba at pangamba.

Bilang chairman ng 2026 Bar Examinations sinabi ni Gaerlan normal lang na magkaroon ng agam-agam, takot at pangamba pero hindi anya ito dapat maging dahilan para sumuko.

Hinimok din ni Gaerlan ang bar takers na huwag susuko sa halip ipagpatuloy ang laban para sa kanilang pangarap na maging abogado.

Samantala, kinumpirma rin ni Gaerlan na may ilang 2026 Bar examinees ang binigyan ng konsiderasyon ng Korte Suprema.

Kabilang sa mga tinukoy ng mahistrado ang tatlong kumuha ng pagsusulit,  apat na persons with disability (PWD) ang pinayagan kumuha ng pagsusulit na may kaukulang assistance.

Kasama rin ang isang person deprived of liberty (PDL) na binigyan ng permiso kumuha ng pagsusulit sa testing center sa kondisyon may kasamang otoridad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *