TULAD ng dati, muling nagpataw ng bonggang dagdag-presyo ang mga kumpanya ng langis sa binebentang produktong petrolyo sa merkado matapos ang rollback noong nakaraang linggo.
Sa magkakahiwalay na abiso, inilahad ng Seaoil Philippines Corp. at Shell Pilipinas Corp. ang pisong umento kada litro sa gasolina at kerosene habang P1.20 naman ang dagdag-singil sa kada litro ng krudo.
Maliban sa kerosene, gayundin ang antas ng umentong ipapataw ng Clean Fuel at Petro Gazz sa binebentang gasolina at krudo sa mga motorista.
Katwiran ng Department of Energy-Oil Industry Management Bureau (DOE-OIMB), nakakaapekto sa presyo ng petrolyo ang napipintong hidwaan sa middle east.
