SA pagsipa ng ber months na pahiwatig ng nalalapit na Kapaskuhan, dagdag-presyo sa bentahan ng liquefied petroleum gas (LPG) ang maagang regalo ng mga LPG companies sa hanay ng mga konsyumer.
Katunayan, ganap nang umarangkada ngayong araw ang dagdag-presyo ng Solane at Petron na kapwa nagpataw ng P0.55 umento sa kada kilo ang ng household LPG sa lokal na merkado.
Sa pagtataya ng Department of Energy (DOE), posibleng pumalo sa P1,087 ang presyo ng 11-kilogram na household LPG mula sa dating P840.
Palusot naman ng Petron – “This reflects the international contract price of LPG for the month of September.”
…………..
