Ni EDWIN MORENO
SA kabila ng pagtatapos ng termino bilang senador, Kamara naman ang puntirya ni outgoing Senator Cynthia Villar matapos maghain ng Certificate of Candidacy (COC) bilang Kinatawan ng Lone District ng lungsod ng Parañaque.
Kasama ang kabiyak na si former Senate President Manny Villar, mga anak na sina Senador Mark at Congresswoman Camille at mga tagasuporta, tinungo ang tanggapan ng Commission on Elections – National Capital Region (Comelec-NCR) sa lungsod ng San Juan kung saan pormal na isinumite ang dokumentong pahiwatig ng interes muling lumahok sa eleksyon.

Sa isang maikling panayam matapos maisumite ang COC, inihayag ni Sen. Cynthia ang plataporma sa sandaling manalo bilang congresswoman — environmental protection.
Para sa nasabing senador, malaking bentahe sa kanyang kandidatura ang mahabang talaan ng kanyang mga bilang mambabatas.
Sa usapin ng political dynasty, nilinaw ng outgoing senator na hindi ninais ng pamilya Villar magtayo ng dinastiya, kasabay ng giit na nagkataon lamang aniyang malaki ang kumpiyansa ng mga botante sa kanilang pamilya.
Sa nalalapit niyang pagbaba bilang senador, inaasahan naman na hahalili sa kanyang pwesto ang anak na si Las Piñas Rep. Camille na una nang naghain ng COC sa pagka Senador noong nakaraang linggo.
