ANG husay sa pamamahala nasusukat sa panahon ng krisis. Ito marahil ang napagtanto ng mga mamamayan matapos umarangkada ang trust at performance rating ng Pangulo sa pinakahuling resulta ng survey.
Batay sa pinakahuling survey na pinangasiwaan ng OCTA Research, tumaas ang bilang ng mga mamamayang Pilipino nagtitiwala at kumikilala sa mahusay na pamamahala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Para kay Deputy Speaker at Zambales Rep. Jay Khonghun, ang resulta ng naturang survey isang patunay sa kakayahang mamuno ng Pangulo sa gitna pa ng ingay lang sa pulitika, at krisis na kinakaharap ng bansa.
Sa ginawang face-to-face survey ng OCTA Research sa nasa 1,200 respondents na edad 18 taong gulang pataas mula March 19 hanggang 26, 2026, nakakuha ng 54 percent trust rating si Marcos at 55 percent performance rating.
Mas mataas ang nakuhang grado ng Pangulo kumpara sa 48 trust rating ng Punong Ehekutibo noong fourth quarter ng 2025 at 51 performance rating noong huling bahagi ng nakaraang taon.
“Malinaw ang sinasabi ng numero. Habang maingay ang pulitika at magulo ang mundo, mas dumarami ang Pilipinong nagsasabing may direksyon ang Pangulo,” paglalarawan ni Khonghun sa resulta ng survey.
“Hindi ito sympathy vote. Hindi ito palakpakan lang. Ito ay pagtaas ng tiwala at pagtaas ng performance rating sa panahon na mahirap manalo sa isip ng publiko,” dagdag pa niya.
“Sa madaling sabi, kumakapal ang kumpiyansa at numinipis ang alinlangan. Kapag ganyan ang takbo ng survey, ibig sabihin hindi lang napapansin ang Pangulo. Mas malinaw na ring pumapanig sa kanya ang tingin ng taumbayan.”
Para kay Deputy Speaker at La Union Rep. Paola Ortega, ang OCTA survey ay malaking sampal sa mga kritiko ni Pangulong Marcos.
“These numbers show that President Marcos is on the right track. Despite the noise and the detractors, a majority of Filipinos continue to trust his leadership and are satisfied with his performance,” ani Ortega.
“The public is clearly recognizing steady leadership. The direction is clear, and the results are beginning to be felt on the ground,” giit din niya.
Tiwala si Ortega na mas lalong aangat ang trust at performance ratings ni Presidente Marcos sa mga susunod pang surveys dahil mabibigyan ng pansin ang mga hakbang na ipinatupad ng administrasyon para maibsan ang matinding epekto ng oil price at supply crisis.
“The next opinion poll will already reflect the administration’s comprehensive oil crisis response that is benefiting millions of farmers, fisherfolk, public utility drivers, commuters, and low-income households through ayuda or financial aid, fuel subsidies, fare discounts, and the suspension of excise taxes on liquefied petroleum gas and kerosene,” ayon sa La Union lawmaker.
