ISANG panibagong dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo ang ikinasa ng mga kumpanya ng langis ngayong araw ng Martes.
Sa pagtataya ng industry sources, maglalaro sa P2.50 kada litro ang ipapataw sa gasolina habang nasa P2 naman ang inaasahang dagdag sa presyo kada litro ng krudo.
Kinumpirma na rin ng Department of Energy (DOE) ang panibagong price adjustment bunsod ng anila’y paggalaw sa world market.
