Ni ROMEO ALLAN BUTUYAN
NAGPAHAYAG ng lubos na pagbati kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Speaker Martin Romualdez bunsod ng matagumpay at produktibong paglahok sa 44th at 45th ASEAN Summits sa Laos.
“The President’s adept handling of the Philippines’ ASEAN engagements has once again demonstrated his strong leadership and unwavering commitment to protecting and promoting our nation’s interests on the international stage,” pahayag ni Romualdez
“His engagements contributed towards expanded economic cooperation not only among ASEAN member states but also with its dialogue partners, which is expected to create more investment opportunities and jobs for Filipinos,” dagdag pa ng lider ng 300-plus strong House of Representatives.
Ayon kay Romualdez, sa husay na ipinamalas ng Pangulo sa larangan ng strategic diplomacy, epektibong inilatag ni Marcos ang interes ng bansa sa hidwaan sa West Philippine Sea.
Partikular na tinukoy Romualdez ang positibong tugon ng iba’t-ibang lider ng bansa sa panawagan nagsusulong ng pagtalima sa international law, kabilang ang United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) at ang mapayapang pagresolba sa agawan ng teritoryo sa South China Sea.
Nakapagbigay din aniya si Marcos ng malaking ambag para magkaroon ng kasunduan ang ASEAN member states na mapalawak ang economic cooperation para sa mas maraming investment opportunities at trabaho sa mga Pilipino.
Kasunod naman ng pakikipag pulong sa SHERA Public Company Ltd. sa sidelines ng ASEAN Summit, inanunsyo ng Pangulo plano ng naturang kumpanya na maglagak ng P2.9 billion investment para sa paggawa ng fiber cement building materials para sa local at export markets.
Sa kanyang arrival statement ay ibinahagi rin ng Punong Ehekutibo ang pagsang-ayon ng ASEAN leaders na magtulungan para sa isulong ang sustainable agriculture upang maabot ang long-term food security, pagbibigay ng suporta sa micro, small, and medium enterprises (MSMEs) sa rehiyon at pagkakaroon ng matatag na digital transformation.
Samantala, pinuri rin ni Romualdez si Marcos sa walang kapaguran pagsisikap para maiangat ang estado ng bansa sa ASEAN at iba pa.
“The President’s leadership has once again secured vital agreements and strengthened our diplomatic relations, which will benefit the Filipino people for years to come,” anang House Speaker.
