NI EDWIN MORENO
Matapos ang panibagong imbestigasyon kaugnay ng pagpatay kay former Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) board secretary Wesley Barayuga, nagpasya ang Philippine National Police (PNP) na sampahan ng kasong murder ang kontrobersyal na whistleblower na si retired Col. Royina Garma.
Bukod kay Garma, kabilang rin sa sasampahan ng kaso sina dating National Police Commission Commissioner Edilberto Leonardo.
Ayon kay PNP spokesperson Brig. Gen. Jean Fajardo, nakahanda na ang mga dokumentong isusumite sa piskalya. Aniya, hinihintay lamang nila ang asawa ni Barayuga at iba pang kamag-anak para sa pormal na paghahain ng demanda.
Taong 2020 nang tambangan sa Mandaluyong City si Barayuga na noo’y sinasabing nakatakdang magsumite ng dokumento kaugnay ng di umano’y katiwalian sa PCSO na noo’y pinamumunuan ni Garma bilang general manager.
Samantala, nirerebisa na rin ng PNP ang ang pamamaril kay Antonio Halili noong 2018.
“Ang gagawin ng PNP dito is to really dig deeper dito sa kaso na ito at nandoon tayo sa process kasi more than five, six years na nangyari yung insidente,” sambit ni Fajardo.
Batay sa huling testimonya ni Garma, isang isang pulis na nagngangalang “Col. Albotra” ang namuno sa grupong inatasan utasin noong Hulyo 2018 sa gitna ng flagraising sa munisipyo ang alkalde
