PARA sa hanay ng mga militanteng magsasaka, hindi dapat pahintulutan ng Commission on Elections (Comelec) ang paglahok ni former President Rodrigo Duterte sa nalalapit na 2025 midterm election.
Partikular na pinapakansela ng grupong Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) ang certificate of candidacy (COC) ni Duterte na tatakbong mayor sa Davao City sa 2025 elections.
Ayon kay Danilo Ramos na tumatayong tagapamuno ng KMP, dapat kanselahin ng Comelec ang COC ni Duterte na pinaniniwalaang nasa likod ng pagpatay ng nasa 30,000 indibidwal sa bisa ng inilunsad na giyera kontra droga sa ilalim ng nakalipas na administrasyon.
Ani Ramos na kabilang sa mga kandidato ng militanteng partidong Makabayan. Saz halip na pwesto, parusang naaayon sa batas ang dapat ibigay sa dating Pangulo.
“It will not be acceptable for someone involved in serious cases of human rights violations to run in the election,” ani Ramos.
Sa mga nakalipas na pagdinig ng quad committee ng Kamara, ang dating Pangulo ang itinuro ni retired Col. Royina Garma na nagbigay ng utos na paslangin ang mga hinihinalang sangkot sa ilegal na droga, batay na rin sa estilong ipinatupad ni Duterte sa Davao sa panahon ng panunungkulan bilang alkalde ng naturang lungsod.
