NI LILY REYES
MAY anim na tropical cyclone pa ang inaasahang papasok sa Philippine area of responsibility sa nalalabing dalawang buwan ng kasalukuyang taon, batay sa weather outlook report ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).
Ayon kay Chris Perez na tumatayong hepe ng Pagasa Weather Division, walong bagyo ang inaasahan ng ahensya sa last quarter ng kasalukuyang taon — “Ang huli nating estimate based sa pinaka-last na forum is from two to eight na tropical cyclones. Dahil nakadalawa na tayo ngayong October, likely hanggang anim ang maximum number ng tropical cyclones na inaasahan natin bago magtapos ang taon,” ani Perez.
Panawagan ni Peerez sa publiko, ibayong ingat sa mga probinsyang tatamaan ng mga parating na bagyo, lalo pa aniya’t higit na malakas kumpara sa super typhoon Kristine ang mga susunod na tropical cyclone.
“Asahan natin na [by] last quarter, mas malakas at may tendency na tumawid ng kalupaan ng ating bansa,” aniya pa.
