IPINAGKIBIT-balikat lang ng kampo ni dating House Speaker Martin Romualdez ang ipinataw na 90-day preventive suspension ng Sandiganbayan. Sa isang pahayag, binigyang-diin ni Atty. Ade Fajardo na ang suspensyon sa dating lider ng Kamara ay hindi nangangahulugang nagkasala ang nasasakdal. Tahasang sinabi ni Fajardo, na tumatayong legal counsel ni Romualdez, walang dahilan para mabahala ang kampo ng kongresista. “The court has not found Martin guilty of plunder. It has not been established that he received a single peso in illegal commissions or kickbacks,” giit ni Fajardo. “An allegation is not evidence. A valid information is not a conviction. The prosecution must still prove its case beyond reasonable doubt,” dugtong ng abogado. Ayon kay Fajardo, nirerespeto ni Romualdez ang nasabing court ruling at masusing pinag-aaralan ang mga posibleng “legal remedies” na isusulong sa hukuman kung saan aniya lalabas ang katotohanan sa likod ng mga paratang. “Hindi hatol ng pagkakasala ang suspension. Mismong korte ang nagsasabing kailangan pa patunayan ang mga paratang. Hindi sapat ang akusasyon—kailangan ng ebidensya,” saad pa ng legal counsel. Ipinunto naman ni Fajardo na nananatiling nakaatang sa panig ng prosekusyon ang responsibilidad na patunayan ang mga alegasyon laban sa dating House leader. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation ASEAN Summit bantay-sarado, 23,000 pulis ikakalat sa Metro Barbers: Testigo ng depensa ang nagpapahamak kay Sara