TODO-higpit ngayon ang mga unipormadong bantay ng South Cotabato Provincial Jail matapos magpositibo sa droga ang 18 persons deprived of liberty (PDL). Ayon kay Provincial Jail Warden Juan Lanzaderas, naka-isolate na ang 18 presong isinalang sa random drug test bunsod ng impormasyon hinggil sa kalakalan ng droga sa iba’t ibang dormitoryo ng South Cotabato Provincial Jail. Pag-amin ni Lanzaderas, nagsasagawa na rin ng bukod na imbestigasyon sa hanay ng mga jail personnel sa hangaring matukoy ang kasabwat sa pagpupuslit ng droga sa loob ng piitan. Nakikipag-ugnayan na rin ang pamunuan ng South Cotabato Provincial Jail sa lokal na himpilan ng pulisya para sa pagsasampa ng kadagdagang kaso laban ng mga presong nagpositibo sa droga. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation PH COAST GUARD LAWYER, BINUGBOG NG KANDIDATO SERBISYO FAIR SA SAMAR: 60K WARAY INAYUDAHAN