TODO-higpit ngayon ang mga unipormadong bantay ng South Cotabato Provincial Jail matapos magpositibo sa droga ang 18 persons deprived of liberty (PDL).
Ayon kay Provincial Jail Warden Juan Lanzaderas, naka-isolate na ang 18 presong isinalang sa random drug test bunsod ng impormasyon hinggil sa kalakalan ng droga sa iba’t ibang dormitoryo ng South Cotabato Provincial Jail.
Pag-amin ni Lanzaderas, nagsasagawa na rin ng bukod na imbestigasyon sa hanay ng mga jail personnel sa hangaring matukoy ang kasabwat sa pagpupuslit ng droga sa loob ng piitan.

Nakikipag-ugnayan na rin ang pamunuan ng South Cotabato Provincial Jail sa lokal na himpilan ng pulisya para sa pagsasampa ng kadagdagang kaso laban ng mga presong nagpositibo sa droga.
