MATAPOS magpatikim ng baryang rollback bago matapos ang taong 2024, agad na rumesbak ang mga kumpanya ng langis sa panibagong oil price hike pagsapit ng Martes, Enero 7.
Sa abiso ng mga oil companies, papatawan ng 70 sentimos na dagdag-presyo sa kada litro ng gasolina, habang 75 sentimos naman ang ikakarga sa kada litro ng diesel at 70 80 sentimos sa kada litro ng kerosene.
Enero 1 unang nagpatupad ng oil price hike ang mga kumpanya ng langis.
Isinisi naman ng mga oil companies sa galaw sa presyuhan ng petrolyo sa world market ang oil price increase.
Samantala, kumbinsido naman ang LPGMA partylist group na hindi gagalaw ang presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) sa susunod na apat na buwan.
Ayon kay LPGMA partylist Rep. Arnel Ty, inaasahan pa ang pagbaba sa presyo ng LPG.
“Tingin namin tuloy-tuloy itong pagbaba ng presyo hanggang sa susunod na apat na buwan,” wika ni Ty sa isang panayam sa radyo.
“Ang forecast ng international market, ang bulk o kalakihan ng pagbaba ay magaganap sa Pebrero, Marso at Abril. Iyan ang inaasahan namin dahil iyan ang nakita naming data na nasa amin,” aniya pa.
