HINDI alintana ng ng libo-libong lolo at lola mula sa mga karatig probinsya ang paglalakad sa gitna ng mainit na panahon sa hangaring kalampagin ang Senado sa panukalang Universal Social Pension for Senior Citizens Act.
Kapansin-pansin naman ang paglahok sa martsa ang isang babaeng kongresista – si Marikina 2nd district Rep. Stella Quimbo – para hikayatin ang agarang pagpapatibay ng panukalang nagsusulong sa interes ng mga nakatatanda.
Para kay Quimbo, higit na angkop na paspasan ng Senado ang pagtalakay sa panukalang Universal Social Pension for Senior Citizens Act na una nang inaprubahan ng Kamara.
“The Universal Social Pension Act is about fairness and dignity. It ensures that no Filipino senior is left behind, regardless of their economic status. This is our way of giving back to those who have contributed so much to society,” wika ng lady solon.
Aniya, napapanahon nang rebisahin ang Republic Act 9994 (Expanded Senior Citizens Act) para tugunan mas mataas na pangangailangan ng hanay ng mga nakakatanda.
Sa 4.085 milyong senior citizens na nasa talaan ng Department of Social Welfare and Development, nasa 783,000 lamang umano ang nakakatanggap ng pensyon. Ang masaklap pa aniya, kadalasan “delayed” ang pagdating ng pensyon bunsod ng tinatawag na “logistical delays” at usad-pagong na liquidation process.
“This bill is not just about numbers; it’s about lives. Our seniors deserve to retire with dignity and the financial means to meet their basic needs.” (Edwin Moreno)
