SA dami at dalas ng aksidenteng kinasasangkutan ng mga pasikat na riders, higit na angkop magkaroon ng isang permanenteng checkpoint ang Philippine National Police (PNP) sa kahabaan ng Marilaque Highway sa bayan ng Tanay, lalawigan ng Rizal.
“I would like to appeal to the PNP and to the local government units na gawing permanent na dun yung nagbabantay para matigil na yung ano doon sa Marilaque, yung accidents,” ayon sa senador sa ginanap na Kapihan sa Senado forum.
“Marilaque is ginagamit na playground kasi nga maganda. Yung mga coffee shops and restaurants, yan na po ang number one tourism destinations ng Rizal, yung Marilaque. Nauso yung pagiging ‘superman’ doon,” dagdag ni Ejercito na kilala rin bilang motorcycle enthusiast.
Tinutukoy ni Ejercito ang mapanganib na stunt na ginawa ng motorcycle riders na humiga habang mabilis na minamaneho ang motorsiklo sa naturang lansangan.
Una nang tinukoy ng PNP-Highway Patrol Group ang limang road sections sa scenic road kung saan karaniwang ginagawa ng mga riders ang mga tinawag niyang “daying exhibition.” Kabilang sa tinukoy ang Devil’s Corner sa bayan ng Tanay na tinatambayan ng mga riders.
Sa ulat ng awtoridad, isang aksidente kada araw sa ang umano’y nagaganap sa Marilaque Highway. Para sa buwan ng Enero, nasa 13 aksidente na ang naitala ng lokal na pulisya.
Pag-amin ng senador, hindi siya napagawi sa Marilaque sanhi ng isang aksidente dalawang taon na ang nakalipas.
“Actually, I voiced this out already. Nagsabi na ako sa PNP, sa Rizal officials …naglagay naman na sila ng checkpoints sa areas na kailangan kaso nag tuloy-tuloy pa rin eh. Actually we also had this movement ‘Make Marilaque Safe’ before kaya lang nagbalik na naman,” aniya.
Umaasa si Ejercito na tutugon ang PNP at ang mga nakakasakop na lokal na pamahalaan para tuluyan nang maiwasan ang aksidente sa lugar.
“So hopefully, talagang mawala na yung mga nagka-karera, nagpe-perform ng stunts. Sayang kasi, Marilaque is so beautiful. Masarap sana mag bisikleta diyan, natatakot na rin akong pumunta doon. Maraming drivers na natatakot doon because of these individuals that are making… na ginagawa siya race track and performing stunts. Nagulat nga ako dun sa ‘Superman’, ba’t nauso yan,” aniya. (ESTONG REYES)
