APAT na miyembro ng pamilya ang nasawi matapos tupukin ang apoy ang dalawang palapag na bahay sa lungsod ng Balanga sa lalawigan ng Bataan.
Kabilang sa mga pumanaw ang tatlong taong gulang na batang nakilala sa pangalang Jaila Adeline Jose.
Ayon sa lupon pamatay sunog, pasok sa talaan ng mga biktima ang 70-anyos na si Zenaida Jose, 53-taong gulang na si August Jose at dalagang si Jaimelyn Joy Manalo
Sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP), hindi na nagawa pang lumabas ng mga biktima sa tinutuluyang tahanan sa Barangay Camacho. Ang dahilan – nakakandado ang nag-iisang pinto ng noo’y naglalagablab na bahay.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa sanhi ng sunog.
