TAYTAY, Rizal — Para kay Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rommel Marbil, nararapat tularan ng iba pang civilian authority ang ipinamalas na husay ng mga pulis na rumesponde sa naganap na hostage drama sa Barangay Sta. Ana.
Sa isang kalatas, partikular na pinuri ni Marbil ang tinawag niyang “tactical expertise” at “skilled negotiation” na nagwakas sa pagsuko ng suspek na nanghostage sa isang-taong gulang na anak.
Ani Marbil, walang puwang ang pagdanak ng dugo sa mga kahalintulad na sitwasyon, kasabay ng giit sa pangangailangan ng isang mabisang negosasyon.
“Ang tapang at propesyonalismo ng mga pulis sa pagresolba ng ganitong sitwasyon ay patunay ng matibay na dedikasyon ng PNP sa pagtiyak ng kaligtasan ng publiko,” wika ni Marbil. (EDWIN MORENO)
