PARA kay House Speaker Martin Romualdez, marapat lang na patatagin ang ugnayan ng mga bansa para sa mas matatag na ekonomiya, at responsableng pamamahala sa teknolohiya upang harapin ang mga hamon sa seguridad at ekonomiya sa Indo-Pacific region.
Sa isang talumpati sa harap ng mga kasalukuyan at dating mambabatas mula sa ibang bansa, mga diplomat, at mga eksperto sa seguridad at teknolohiya sa idinaos na Parliamentary Intelligence-Security Forum (PI-SF), binigyang-diin ni Romualdez ang tumitinding “geopolitical tension,”, kahinaan ng ekonomiya, at mga hamong dulot ng patuloy na pagbabago sa teknolohiya, ay nangangailangan ng isang sama-samang pagtugon mula sa pandaigdigang komunidad.
“We gather at a critical moment when the Indo-Pacific—home to 4.7 billion people, or 60% of the global population, and a driving force of global trade and innovation—is both a region of immense opportunity and unprecedented challenges,” ani Speaker Romualdez.
Aniya, “It is a region where economic dynamism coexists with intensifying strategic competition, geopolitical tensions and non-traditional security threats. These realities demand our collective action and resolve as parliamentarians and policymakers.”
The PI-SF, ay isang pandaigdigan pagtitipon ng mga mambabatas upang talakayin ang mga intelligence, security at economic threats, ay may malaking papel sa pagpapalakas ng multilateral cooperation laban sa mga bagong hamon sa buong mundo.
Dahil ang Maynila ang nagsisilbing host ng forum ngayong taon, nakatuon ang talakayan sa Indo-Pacific region, na kinabibilangan ng mga malalaking ekonomiya tulad ng China, Japan, India, at South Korea, at patuloy na nagiging sentro ng mga hindi pa nareresolbang hidwaan at kompetisyon.
Sa kanyang talumpati, pinagtibay ni Romualdez ang pangako ng Pilipinas na pagsunod sa international law sa pagtatanggol ng karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Binanggit niya ang desisyon ng Arbitral Tribunal noong 2016 sa ilalim ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), na pumapabor sa Pilipinas kaugnay sa pinagtatalunan teritoryo. Ipinunto rin ng lider ng Kamara ang pagpapalaganap at pagpapatibay ng desisyon ay napakahalaga upang mapanatili ang kapayapaan at katatagan sa buong rehiyon.
“For the Philippines, the situation in the West Philippine Sea remains a direct and urgent concern. This is not just a matter of territorial integrity—it is a test of the international community’s commitment to upholding international law and ensuring freedom of navigation,” saad pa niya.
Nagbabala rin si Speaker Romualdez laban sa gray-zone tactics, pamumwersa at militarisasyon sa artificial islands, na nagdudulot ng banta sa kapayapaan at katatagan sa rehiyon.
Pagtitiyak ni Romualdez, gumagawa na ng mga hakbang ang Pilipinas upang palakasin ang maritime jurisdiction ng bansa, kabilang na ang pagsasabatas ng Philippine Maritime Zones Act at Philippine Archipelagic Sea Lanes Act.
“The West Philippine Sea issue underscores the importance of preserving a rules-based international order,” wika ng lider ng Kamara.
“For smaller nations like the Philippines, this order serves as a safeguard against the arbitrary use of power and ensures that disputes are resolved peacefully, through dialogue and diplomacy, rather than coercion or intimidation.” (ROMEO ALLAN BUTUYAN II)
