HINDI na umabot pang buhay sa pagamutan ang isang Grade 8 student ng isang public school matapos paulit-ulit na saksakin ng kaklase sa lungsod ng Paranaque.
Kwento ng mga nakasaksi sa insidente, tumanggi di umano magpahiram ng make-up kit ang 14-anyos na biktima sa kaklaseng lalaki sa Moonwalk National High School. Dito na umano sinaksak ng suspek ang biktima gamit ang 10-pulgadang patalim.
Sa kabila ng mga natamong sugat, nakuha pa umano ng biktima tumakbo palayo para humingi ng saklolo. Gayunpaman, idineklarang dead on arrival ang biktima.
Nasa kustodiya na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang 15-anyos na suspek.
