SA halip na masigawan ng tuwa at kilig dahil sa thrill ng mga rides sa perya, napasigaw naman ng takot at kaba ang mga tao sa perya sa Tagbilaran City, Bohol nang magkaroon ng aberya sa isa sa mga rides nito.
Viral ngayon ang isang video ng ‘Frisbee’ ride sa perya na nag-malfunction habang umaandar at may mga sakay noong Sabado, Abril 26.
Sa una ay maayos pa ang paggalaw nito, pero nang malapit nang matapos ang pag-andar, bigla na lang itong nagkaroon ng problema.
Nag-panic ang mga sakay ng ride at agad na nagsibabaan nang huminto ito sa pag-andar. Kahit ang mga nanonood lang ay tumulong na rin.
Wala namang naitalang nasawi sa insidente.
