BINIGYAN-DIIN ni Davao City mayoralty candidate Karlo Nograles na panahon na para higit na pagtuunan ng pansin at buhusan ng malaking pondo ang pagkakaloob ng iba’t-ibang serbisyong medikal para sa lahat ng Dabawenyos.
Dagdag pa ng former three-termer lawmaker ng unang distrito ng naturang lungsod, ang public health care programa ay hindi lamang ang pagkakaroon ng ospital at iba pang pasilidad bagkus ay pagtitiyak na sa lahat ng oras ay mayroong maaasahang serbisyo para kanilang kalusugan ang mga mamamayan.
“Now is the time to invest in a local health system that works—barangay by barangay, family by family… and health care is not merely about the provision of hospitals and other health and medical facilities, but also includes constant presence, prevention, and public trust,” ang pahayag pa ng long-time public servant.
Ayon kay Nograles, na dati ring naging chairman ng Civil Service Commission (CSC), maraming lugar sa Davao City ang wala pa ring access sa basic healthcare services.
“Maraming Dabawenyo ang kailangan pang bumyahe dahil walang maayos na health center sa kanilang komunidad, o di kaya napapagastos pa rin kahit sa mga karaniwang sakit dahil kulang sa medisina at iba pang medical supplies ang health facility. Ang mga ganitong expenses ay kayang-kaya sanang saluhin ng City Government dahil marami naman itong pondo.”
Kaya naman inihayag ni Nograles na bilang bahagi ng kanyang public health agenda ay nais niyang maparami ang barangay health station, magtalaga ng mga nurse at midwife, at bumalangkas ng citywide health para matugunan ang iba pang pangangailngan.
Sinabi ni Nograles, na isang abugado, na isusulong din niya ang “prevention and early treatment mindset” sa mga residente ng Davao City dahil mas mainam na makaiwas kundi man ay maagang makapagpagamot upang hindi lumalala ang sakit.
“As heat intensifies and water supplies tighten, diseases like diarrhea, dengue, and heat stroke become more common—especially among children and seniors. These illnesses are preventable, but only if there is consistent public health messaging, clean water access, and responsive frontline care,” pahayag pa niya.
“If we are to have buy-in from our communities, we have to gain their trust. They must see City Hall as a responsive institution they can turn to for all aspects of health, from information to consultation to treatment and infrastructure that will encourage them to pursue and maintain a healthy lifestyle,” dagdag ni Nograles.
