ANUMAN ang maging resulta ng kandidatura para sa posisyon ng senador, nakatakdang sumabak ulit sa professional boxing ang 46-anyos na si Manny Pacquiao, ayon sa isang ulat ng ESPN.
Target umano ng tinaguriang “Pambansang Kamao” agawin ang kampeonato na hawak ni WBC welterweight champion Mario Barrios.
Taong 2021 nang magretiro si Pacquiao sa rekord na 72 laban kung saan 62 ang panalo, walong talo, at dalawang tabla.
Higit na kilala si Pacquiao sa larangan ng boksing bilang eight weight divisions champion mula sa flyweight hanggang super welterweight.
Kabilang si Pacquiao sa mga pambato ng administrasyon sa nalalapit na senatorial race sa Lunes, Mayo 12, 2025. Dati na rin nanungkulan ang “Pambansang Kamao” bilang kongresista ng Saranggani at senador.
Tinangka na rin ni Pacquiao noong Mayo 2022 sungkutin ang pinakamataas na pwesto sa gobyerno.
