
PARA kay House Speaker Martin Romualdez, ang pagkakahirang kay Pope Leo XIV ay isang matibay na patunay sa patuloy na misyon ng Simbahang Katolika, bukal ng bagong pag-asa, at sagisag din ng pagpapatuloy ng pamumunong pastoral para sa mga mananampalataya sa buong mundo.
Ginawa ng House Speaker ang pahayag kasabay na rin sa pagpuri niya sa bagong Santo Papa, na sinabi rin niyang simbolo ng bagong pag-asa.
“We welcome with deep joy and reverence the election of His Holiness Pope Leo XIV. His life of missionary service, unwavering commitment to the marginalized, and resolute pursuit of justice reflect the best of what the Catholic Church can offer in these times of uncertainty,” sabi pa ni Speaker Romualdez.
Si Pope Leo XIV, dating si Cardinal Robert Francis Prevost, ang ika-267 na Santo Papa at kauna-unahang Amerikano na mamumuno sa Simbahang Katolika. Taglay niya ang mahaba at makabuluhang karanasan sa gawaing misyonero at pastoral na nahubog sa kanyang paglilingkod sa Latin America.
Ayon kay Speaker Romualdez, ang istilo ng pamumuno ni Pope Leo XIV ay sumasalamin sa pamana ni Pope Francis, na kilala sa Pilipinas bilang si “Lolo Kiko.”
“Like Lolo Kiko, Pope Leo XIV carries the Gospel with humility and courage, entering the papacy with quiet strength. In an age of clamor, he reminds us that humility is power, and service is the highest form of leadership,” saad pa ng pinuno ng Kamara na binubuo ng 306-kinatawa.
Ani Speaker Romualdez, malalim ang ugnayan ng mensahe ng bagong Santo Papa sa damdamin ng mga Pilipinong Katoliko, lalo na ang kanyang panawagan para sa kapayapaan at pagkalinga sa mga naaapi.
“The election of Pope Leo XIV affirms the Church’s mission to stand with the poor, the displaced and the voiceless—one that deeply resonates with the Filipino people, especially as the Philippines remains the third-largest Catholic nation in the world,” dagdag pa Leyte lawmaker.
Sinabi ni Romualdez na maging ang pangalan na pinili ng bagong Santo Papa ay nagbibigay-pugay sa mga papa na kilala sa lakas at reporma, tulad nina Pope Leo XIII at Leo I, na tumindig laban sa kawalang-katarungan at nagtaguyod ng pananampalataya sa gitna ng pagkakawatak-watak.
Ipinahayag din ng House Speaker ang kanyang pag-asa na makabisita si Pope Leo XIV sa Pilipinas sa panahon ng kanyang panunungkulan.
“A papal visit from Pope Leo XIV would bring immense spiritual upliftment to our people. The Filipino faithful are ready to welcome him with open hearts and unwavering devotion,” saad ni Speaker Romualdez.
Hinimok naman niya ang lahat ng Pilipino, anuman ang kanilang pananampalataya, na manalangin para sa bagong Santo Papa.
“The challenges before the world are great, but so too is the light that now shines from Rome. May Pope Leo XIV guide us toward peace, healing and renewed faith,” pagtatapos ni Speaker Romualdez. (ROMEO ALLAN BUTUYAN II)