WALANG lockdown na magaganap sa Pilipinas, ayon sa Department of Health (DOH) kasabay ng babala sa mga kapural na nasa likod ng pagpapakalat ng fake news sa social media post .
Paglilinaw ng DOH, hindi “airborne” ang mpox, taliwas sa kumakalat na maling impormasyon sa iba’t ibang digital platforma.
“Mas marami pang mpox noong 2024. Mas marami rin naitala noong Abril kaysa ngayong Mayo 2025. Nagkataon lamang na naghe-headline dahil aktibo at nag-aanunsyo na ngayon ang mga local government unity (LGU),” pahayag ng kagawaran.
Anila, Clade II strain lang ang natukoy sa Pilipinas at hindi umano masyadong nakababahala kumpara sa mpox Clade I-b.
Patuloy naman na nakikipag-ugnayan ang DOH sa mga lokal na pamahalaan para sa angkop na serbisyong medikal sa mga kumpirmado at hinihinalang kaso ng mpox.
“Maging mapanuri laban sa mga pekeng Facebook page na nagkalat ng maling impormasyon o fake news tungkol sa mpox. Walang lockdown kahit saan man sa Pilipinas. Fake news iyan.”
