KASUNOD ng pagtatapos ng halalan dumami ang nawalan ng trabaho, batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Ayon sa PSA, pumalo sa 2.06 milyong Pilipino (katumbas ng 4.1 percent unemployment rate) ang walang trabaho sa buwan ng Abril — malayo sa 1.93 jobless noong Marso.
Pag-amin ng PSA, ang antas ng unemployment na naitala ng ahensya ang pinakamalaki sa nakalipas na dalawang buwan.
Bukod sa pagsirit sa bilang ng walang trabaho, lumala rin umano ang kalidad ng trabaho, base sa tugon ng 44,536 respondents na lumahok sa survey ng PSA.
Sa kategorya ng “underemployment,” lumalabas din na 7.09 milyong Pilipinong may trabaho ang naghahanap ng dagdag-raket o oras ng pagtatrabaho para sumapat sa pangangailangan ng pamilya.
