BAGSIK ng rumaragasang agos ng ilog ang sinisilip na dahilan sa likod ng pagkawasak at tuluyang pagbagsak ng isang bahagi ng Ninoy Aquino Bridge sa Tarlac City. 

Sa impormasyong ibinahagi ng pamahalaang lungsod ng Tarlac, nangyari ang insidente dakong alas 11:56 ng gabi noong Biyernes, Agosto 28.

Para tiyakin ang kaligtasan ng mga motorista, isinara na rin ang mga daan patungo sa nasabing tulay, kasabay ng paglalabas ng abiso sa “alternate route” hanggat hindi pa isinasaayos ang nasirang bahagi ng tulay na itinayo 35 taon na ang nakalipas.

Samantala, nakikipag-ugnayan na rin ang lokal na pamahalaan sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, City Disaster Risk Reduction and Management Office, Public Order and Safety Office, City Engineer’s Office, at maging sa Department of Public Works and Highways.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *