MATAPOS mag viral sa social media ang larawan ng binebentang bahay ni former President Rodrigo Duterte sa Davao City, biglang bawi ang isa sa mga anak ng dating pangulo.
Ayon kay Davao City Rep. Paolo Duterte, hindi sang-ayon ang amang nakakulong sa The Hague, Netherlands bunsod ng kasong crimes against humanity kaugnay ng madugong giyera kontra droga noong nagdaang administrasyon.
Katunayan aniya, tinanggal na ang karatulang “For Sale” na ikinabit sa entrada ng bahay sa Barangay Matina sa nasabing lungsod.
Una nang kinumpirma Honeylet Avanceña, live-in partner ng matandang Duterte, kanilang binebenta na ang bahay sa Davao City.
