GANAP nang naupo bilang hepe ng Manila Police District (MPD) si Brig. Gen. Arnold Abad.
Sa isang simpleng seremonya, pormal na isinalin ni former MPD chief Brig. Gen. Benigno Guzman ang pwesto kay Abad, kasabay ng pangako sa mas pinaigting na presensya ng mga pulis sa anim na distrito ng lungsod.
Pinangasiwaan ni National Capital Police Regional Police Office (NCRPO) chief Major Gen. Anthony Aberin ang turn-over ceremony na dinaluhan din ni Manila City Vice Mayor Chi Atienza bilang panauhing pandangal sa nasabing pagtitipon.
Tumayong saksi sa pagsasalin ng liderato sa hanay ng kapulisan ang mga station commanders sa naturang lungsod. (ITOH SON)
