TUMAAS ang kilay ng mga netizens matapos lumabas ang balita hinggil sa di umano’y pagtanggi sa alok na suhol nina Ombudsman Crispin Remulla at nakababatang kapatid na si Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla.
Sa isang panayam na umere sa Politiko Talks ng Bilyonaryo News Channel, ibinahagi ng DILG Secretary ang alok umano sila ng kanyang kapatid na Ombudsman ng halagang P1 bilyon para ibasura ang reklamong may kaugnayan sa flood control scandal.
Bukod sa kanyang kuya, nilapitan din umano siya ng hindi tinukoy na “intermediary” para alukin ng malaking halaga, para umano kumbinsihin ang nakatatandang Remulla ilaglag ang kaso laban sa “principal.”
“May lumapit sa akin through an intermediary, nag-offer sa aming magkapatid ng P1 billion para matapos ang kaso nila,” ani Jonvic, kasaba7y ng giit na agad nilang tinabla ang alok.
“Sabi namin, ‘no deal.’ Nabigla ako dun. Sabi ko na lang, huwag na.” (LILY REYES)
