MATAPOS kaladkarin ang pangalan sa tinaguriang flood control scandal, dali-daling nagtungo sa Department of Justice (DOJ) ang isang partylist solon para sa ireklamo ang 18 dating sundalo na umano’y nagdeliver ng male-maletang kickback sa mga opisyales ng gobyerno.
Kasama ang isang Fr. Flavie Villanueva, pormal na nagsumite ng reklamo si Mamamayang Liberal partylist Rep. Leila De Lima.
Partikular na tinukoy ni De Lima at Villanueva ang joint affidavit na isinumite ng mga dating sundalo sa Office of the Ombudsman.
Para kay De Lima, isang kasinungalingan ang paratang na nakipagpulong siya kay former House Speaker Martin Romualdez.
Muli rin niyang pinabulaanan ang alegasyon tumanggap siya ng “paper bag” na ibinunyag ng grupo.
Nag-ugat ang reklamo sa alegasyon nakapaloob sa joint-affidavit ng grupo nagsasabing nakatanggap umano si De Lima ng ‘paper bag’ na naglalaman ng milyun-milyong piso.
Sa panig naman ni Fr. Flavie Villanueva, ang pagsasampa ng reklamo ay bilang pagtutol sa mga paninirang ginagawa ng grupo. (JULIET PACOT)
