ISANG linggo matapos maglabas ng rekomendasyon ang National Bureau of Investigation (NBi), tuluyan nang sinibak sa pwesto ni Public Works and Highways Secretary Vince Dizon ang g opisyales ng DPWH Davao District Office. Batay sa memorandum mna nilagdaan ni Dizon, kabilang sa mga tinanggal sa pwesto sina Davao District Engineer Richard Ragasa, Assistant District Engineer Lilibeth Sarmiento, and Construction Chief Roberto Mamaril. Pag-amin ni Dizon, inalis sa kani-kanilang pwesto ang mga opisyales bunsod ng rekomendasyon ng NBI sa Department of Justice para sa agarang pagsasampa ng kaso sa Genesis88 — ang kumpanyang nakasungkit ng kontrata para sa mga flood control projects sa congressional district na sakop ni Davao City Rep. Paolo Duterte. Kasama rin sa rekomendasyon ang paghahain ng kasong “falsification by a public officer” sa ilalim ng Article 171 ng Revised Penal Code, at paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Grade 7 sinaksak ng kaklase sa loob ng paaralan