SA dami ng pasanin ng sambayanang Pilipino, higit na angkop isaalang-alang ng pamahalaan ang mga pamilyang umaasa lang sa karampot na kita ng padre de pamilya.
Sa ilalim ng House Bill 8191 na akda ng mga kongresistang kasapi ng Lakas CMD na pinamumunuan ni Leyte Rep. Martin Romualdez, partikular na isinusulong ang 50 porsyentong diskwento para sa mga minimum wage earners sa buwanang bayarin sa konsumo ng kuryente.
Panawagan ni Romualdez sa mga kapwa mambabatas, pagtibayin ang HB 8191 o ang Ginhawa KIT Kuryente–Internet–Trabaho agenda bill, na naglalayon awtomatikong makasama sa ‘lifeline enrollment’ o bibigyan ng discount sa pagbabayad ng kuryente ang marginalized at vulnerable consumers.
Ang nasabing panukalang batas ay nabuo bilang direktang tugon sa patuloy na pagsipa ng power rate at nagdudulot ng dagdag na pabigat sa gastusin ng maraming pamilya lalo na ang mga kumikita lamang ng minimum wage.
“Lakas-CMD has resolved to put this electricity relief into legislation. When a minimum wage earner works every day and still comes up short at the end of the month, we have a duty to deliver concrete relief—and one of the most direct ways is to cut power costs at home,” ani Romualdez.
Sina Deputy Speaker David “Jay-Jay” Suarez ng Quezon at Deputy Speaker Jay Khonghun ng Zambales ang personal na nagsumite ng HB 8191, bilang kinatawan ng Lakas-CMD.
Nakapaloob sa “Ginhawa sa Kuryente Act,” ani Suarez, ang ibibigay na 50 percent discount ay para sa “households with at least one minimum wage earner, applied to a single residential service account corresponding to the household’s principal residence, subject to verification, anti-leakage safeguards and periodic revalidation to keep the benefit targeted and credible.”
“The members of Lakas-CMD stressed that this is the kind of relief families can feel right away because electricity is a basic need tied to health, education, safety and livelihood, and a power bill that keeps climbing forces families to make sacrifices on food, transport, school requirements and medicine,” ayon naman kay Khonghun.
Sinabi naman ni Romualdez na bukod sa minimum wage earner discount, isinusulong din ng proposed measure na palakasin ang lifeline rate partikular para sa marginalized end-users.
Ito’y sa pamamagitan nang pag-aatas sa distribution utilities na magbigay ng lifeline benefit sa qualified households sa pamamagitan ang pagkakaroon din ng kinauukulang eligibility matching at account tagging, pag-aalis sa ibang pang matagal nang pabigat na bayarin sa mahihirap na pamilya na kadalasan ay hindi nagagawang makapag-apply dahil sa ilang requirements.
Paliwanag naman ni Deputy Speaker at La Union 1st Dist. Rep. Paolo Ortega V, sa ilalim ng HB 8191, ang qualified marginalized end-users ay ang pamilyang hindi kumukonsumo ng kuryente ng higit sa 50 kilowatt-hours (kWh) kada buwan.
“The measure provides that the lifeline rate will include a 100% discount on applicable electricity charges, with the Energy Regulatory Commission (ERC) setting the detailed parameters, a provision the authors described as a practical protection for households that already live on the edge,” pahabol ni Ortega. (ROMER R. BUTUYAN)
